Wednesday, June 17, 2009

Thoughts inside my HEART (Tagalog Version)

hmmm.... ano ba talaga ang pag- ibig? Nais kong sagutin ang lahat ng katanungan na may kinalaman sa pag-ibig...


Marami sa atin ay mahilig sa magaganda at gwapo... pero ang hindi natin alam, kahit sino kaya nating mahalin. Totoo ba yun? Oo. Tama ang nakita ng dalawa mong mata. kahit sino ay kaya mong mahalin, mahalin ng tunay at walang paga-alinlangan. Ano ba ang problema?

Dahil un sa tinatawag nating "feelings" Hindi ko man maipaliwanag ang ibig sabihin ng feelings, alam naman natin kung ano ito sa realidad. Ang ating feelings ang humaharang sa malaya nating pagmamahal sa isang tao. Dahil sa feelings, nagkakaroon tayo ng tinatawag na "pamimili"...


Pinipili natin yung mga tao na sa isip natin ay siya nga. Pero ang tototo, hindi naman... Ang totoong pag-ibig ay napakalawak. kung gagamitin mo ang iyong damdamin sa pagmamahal, at ang iyong utak ay isasantabi, malalaman mo na kahit sino ay kaya mong mahalin, kaya mong ibigin...





buksan ang iyong isipan sa maraming bagay.





>> hindi ako sawi sa pag-ibig. naiisip ko lang ito kapag hindi ako makatulog.